Pacquiao-Marquez V ang nais ni Roach

MANILA, Philippines - Kung may laban na gustong maganap uli si Freddie Roach para kay Manny Pacquiao, ito ay ang ikalimang pagtutuos nila laban kay Juan Manuel Marquez.

“We want Marquez one more time, yes. That’s the fight we want,” wika ni Roach.

Si Marquez ang nagpalasap ng pinakamatinding pagkatalo kay Pacquiao nang pabagsakin niya ang Pambansang kamao noong Disyembre 8.

Sa sixth round naganap ang knockout at bumuwal ng walang malay sa ring si Pacquiao matapos salubu-ngin ang matinding suntok galing kay Marquez.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ni Pacquiao noong nakaraang taon pero ito ang nagmarka dahil ngayon ay may mga nagdududa na sa kakayahan ng Kongresista ng Sarangani kung  pagbo-boxing ang pag-uusapan.

Wala na ang epekto ng pagkatalong iyon ni Pacquiao, ginagarantiya ni Roach.

“I know people are skeptical about him but knockouts are what they are. Manny Pacquiao is a realist. He understand it is part of the sport. So he accepts that and I don’t think it’s going to affect him at all,” ani Roach.

Show comments