Agawan sa liderato

MANILA, Philippines - Ang solo-liderato ang paglalabanan ngayon ng Cagayan Valley at TMS Philippine Army sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing sa magandang panalo ang dalawang koponan sa unang asignatura at inaasahang magiging balikatan ang tagisang mapapanood sa ganap na ika-2 ng hapon.

Ang ikalawang laro sa dakong alas-4 ay sa hanay ng Cignal at Petron at ang papalarin ay baba-ngon mula sa pagkatalo sa kanilang unang laro.

Galing ang Lady Ri-sing Suns sa 25-20, 25-14, 25-22, straight sets panalo sa Petron sa unang laro habang ang nagdedepensang Lady Troopers ay buma-ngon sa first set na pagkatalo para sa 19-25, 25-15, 25-21, 25-16 tagumpay sa baguhang RC Cola.

Sasandalan tiyak ng Lady Troopers ang matibay na samahan dahil buo pa rin ang players na nagbigay ng titulo sa naka-lipas na conference sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Show comments