MANILA, Philippines - Hindi pinahintulutan ng Letran ang magarbong seleb-rasyon na binalak ng San Beda nang hiritan ng 79-74 panalo sa Game Two ng 89th NCAA men’s basketball Finals kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Gumawa si Mark Cruz ng 16 puntos at sampu ang ibinuhos niya sa huling yugto na kanyang nilakipan ng dalawang freethrows sa huling 10.9 segundo para maitabla ang best-of-three series sa 1-all.
Pero hindi lamang si Cruz ang dapat pagpasala-matan ng mga tagahanga ng Knights kungdi isama rin dito ang kanilang bench na nabuhay matapos durugin ng Lions sa Game One.
Sina John Tambeling, Jamil Gabawan at McJour Luib ay tumapos bitbit ang pinagsama-samang 19 puntos at si Luib nga ang nagpatakbo sa opensa ng Letran sa ikatlong yugto nang iupo na si Cruz dahil sa foul trouble.
“The credit should go to the players, they did step-up today especially Luib. Mark was in foul trouble in the third quarter but Luib was there,†wika ni Garcia.
Ang deciding Game Three ay gagawin sa Sabado sa ganap na ika-2:30 ng hapon sa nasabing palaruan.
Durog ang Knights sa rebounding, 33-50, pero binalewala nila ito sa pamamagitan ng 54% shooting sa two-point field (26-of-48).
“Ever since the start of the season, ang sinasabi lamang namin sa mga players is to trust each other. It doesn’t matter who scores as long as we play good defense and take the opportunity, take the open shots,†dagdag ni Garcia.
May anim na lead changes at limang tabla sa laro at ang huling deadlock ay sa 64-all sa jumper ni Arthur dela Cruz sa huling 5:31 ng labanan.
Ngunit nagkapit-kamay sina Luib, Racal at Ruaya para ibigay sa Knights ang pinakamalaking bentahe sa laro na walong puntos, 72-64.
Naisalpak ni Ola Adeogun ang kanyang tres para idikit ang Lions sa 77-74 pero pinagbayad ni Cruz si Dela Cruz nang lapatan siya ng foul sa pagpasok sa dalawang buslo.
Si Dela Cruz ay mayroong 23 puntos habang sina Adeogun at Rome dela Rosa ay nagbigay ng tig-10. Pero si Dela Rosa ay na-foul-out may 7:44 sa laro para kapusin ng pagkukunan ng opensa ang Lions.
Kinumpleto naman ng San Beda Red Cubs ang 20-0 sweep sa juniors division nang kunin ang 65-59 tagumpay sa CSB-LSGH sa unang laro.