^

PM Sports

Heat nalo sa Bucks

Pang-masa

MIAMI – Umiskor si LeBron James ng 33, habang tumipa si Michael Beasley ng 19 markers mula sa bench para ihatid ang Miami Heat sa 118-95 panalo kontra sa Milwaukee Bucks.

Tumapos si Mario Chalmers na may 15 points at 7 assists para sa Heat, na nahigitan ang kanilang  pinakamala-king victory margin na 12-point win laban sa Chicago sa pagbubukas ng season.

Nagdagdag si Chris Bosh ng 10 points para sa Miami (5-3).

Nagtala sina John Henson at Gary Neal ng tig-18 points at may 11 si Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee.

Tanging si Caron Butler ang double-digit-scoring starter para sa Bucks (2-4), sa kanyang 10 markers.

Sa Los Angeles, nagtala si Jordan Hill ng career-high 21 points at 11 rebounds at nag-ambag si Pau Gasol ng 14 points at 8 rebounds sa 116-95 paggiya sa Los Angeles Lakers laban sa New Orleans Pelicans.

Gumawa si Nick Young ng 17 points para sa Los Angeles, naipatalo ang lima sa kanilang pitong laro bago talunin ang Pelicans na tumalo sa kanila noong nakaraang linggo sa New Orleans.

Umiskor sina Jodie Meeks at Xavier Henry ng tig-15 points para sa Lakers na lumamang ng 20 points sa first half patungo sa kanilang pang-12 panalo laban sa New Orleans sa kanilang 13 paghaharap sa regular season.

Kumayod si Eric Gordon ng 17 points para sa Pelicans.

CARON BUTLER

CHRIS BOSH

ERIC GORDON

GARY NEAL

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

JODIE MEEKS

JOHN HENSON

JORDAN HILL

NEW ORLEANS

PARA

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with