NBA community tutulong sa mga biktima ng Yolanda

NEW YORK – Ang NBA at NBA Players Associa-tion ay magdo-donate ng $250,000 sa US Fund para sa UNICEF bilang suporta sa emergency relief efforts ng naturang organisasyon sa Philippines na sinalanta ng bagyong Typhoon Haiyan (Yolanda).

Pangungunahan din ni Miami Heat coach Erik Spoelstra, anak ng isang Pinay ang pag-oorganisa ng fund raising para sa relief efforts.

Ayon sa UNICEF, tinatayang aabot sa apat na mil-yon ang maapektuhang bata ng naturang kalamidad na pumatay ng libu-libong katao na sinasabing pinakamalakas na bagyong sumalanta sa kasaysayan.

Plano pang mag-donate ng liga sa isa pang organi-sasyon at hinihikayat ang iba pa na tumulong.

Show comments