MANILA, Philippines - Dahil sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas region, nagdesisyon ang Philippine Sports Commission na iurong ang nakatakdang Batang Pinoy national finals sa Bacolod City sa Jan. 28- Feb. 1, 2014 na dapat ay idaraos sa susunod na linggo.
Sinabi ni PSC commissioner Jolly Gomez na bagama’t walang malaking pinsala sa Bacolod City at Negros Occidental matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda at nagsabi silang kaya nilang ituloy ang pagdaraos ng kompetisyon na naunang naitakda sa Nov. 19-23, sa tingin ng mga opisyal ay makabubuti na iurong ito.
“Our reasons for postponement are as follows: Number One is sensitivity to the (kalagayan) people, our brothers in the Visayas who are suffering from this disaster. Number Two: Although the host province and city expressed their readiness, saying they’re almost back to 100 percent conditions, we have to be sensitive to the transportation requirements of the winners of the Visayas leg,†ani Gomez.
Sa 2,700 athletes na kasali sa sportsfest para sa mga atletang may edad 15-at pababa, 151 qualifiers ay manggagaling sa Leyte na siyang pinakanaapektuhan ng Yolanda at 177 mula sa Cebu na dinaanan din ng bagyo.
“This represents 20 percent of our participants; that’s a significant number we have to be sensitive about,†sabi ni Gomez, na nagsabi ring hindi pa nila nakakausap ang isa sa kanilang stakeholders sa Games, na Leyte Sports Academy sa ngayon.