MANILA, Philippines - Ang mga miyembro ng Philippine team na nagpakitang-gilas sa 8th World Taekwondo Poomsae Championships ang mangunguna sa mga pa-nauhin sa lingguhang Phi-lippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate ngayon.
Tatalakayin ni Janice Lagman, Rani Ortega at coach Igor Mella ang kanilang naging kampan-ya sa Bali, Indonesia kung saan nanalo ang mga Pinoy ng tatlong golds, 2 silvers at isang bronze at ibabalita rin nila ang kanilang assessment sa tsansa ng national taekwondo team sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Myanmar.
Ang iba pang tatalaka-yin sa forum na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 na hatid ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation ay ang Asian Motocross Championships, World Memory Championship at ang special live viewing na pinaplano ng Solaire Casino and Resorts Hotel para sa nalalapit na laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios.