STARmen kontra Nougat sa Finals ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng Philippine STARmen ang Acquire, 79-62,  sa likod ng 34 points ni Niño Marquez para umabante sa Finals ng Passion Basketball League noong Huwebes sa Cloverleaf Gym sa Guadalupe.

Makakaharap ng STARmen sa Finals na nakatakda nga­yong alas-7 ng gabi ang Nougat sa nasabi ring ve­nue.

Nag-ambag si Raymond Maconocido ng 17 points, ha­bang may tig-6 markers sina Gio Coquilla at Dennis Rodriguez para sa STARmen.

Kinontrol nina bigmen Lester Reyes, Randel Reducto at Cris Corbin ang rebounding.

Muling aasa ang STARmen kina defensive players Vher Roque, Jesse Bustos, Gerald Ortega, Mario Geocada, Bong Martinez at Niño Sangalang sa ilalim nina coach Alfred Bartolome, Rene Recto at team manager Mike Maneze.

 

 

Show comments