LSGH-CSB tinalo ang Baste patungo sa Finals

LARO SA LUNES

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

12:30 p.m. San Beda vs LSGH-CSB (jrs Finals)

2:30 p.m. San Beda vs Letran (srs. Finals)

 

MANILA, Philippines - Gumawa ng 21 puntos at 11 rebounds si Rashleigh Rivero at pi­na­mu­nuan ang La Salle Greenhills-College of St. Benilde para silatin ang No. 2 seed na San Sebastian, 76-72, sa semifinals sa 89th NCAA juniors basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naghatid ng 19 puntos at 10 boards si Alex Bar­rera, habang may 18 si Michael dela Cruz.

Si Kobe Paras ay may 17 puntos para makum­pleto ng No. 3 team ang pag-akyat sa step-ladder semifinals at angkinin ang karapatang labanan para sa titulo ang San Beda Red Cubs.

Dahil sa 18-0 sweep sa double-round elimination, ang Red Cubs ay dumiretso sa Finals at may ‘thrice-to-beat’ advantage kontra sa Greenies.

“No one expected us to be here but we’re here. So we’re just going to make the most out of it,” wi­ka ni coach na si John Flo­res na unang pinatalsik ang Mapua Red Robins.

Si Rivero na siyang hi­nirang bilang Most Valua­ble Player, Mythical Five at Defensive Player sa dibisyon ay nagkaroon din  ng magagandang assists sa endgame para maisan­tabi ang matinding hamon ng Staglets.

Noong 2011 ay nasa Finals din ang koponan ka­laban ang Red Cubs.

Naniniwala si Flores na ang kumpiyansa na na­kuha nila sa nasabing da­la­wang matitinding panalo ang makaka­tulong para masilat nila ang Red Cubs sa championship series.

LSGH-CSB 76 – Ra. Ri­vero 21, Barrera 19, De­la Cruz 18, Paras 17, Ri. Rivero 1, Salonga 0, Ra­mi­lo 0, Gob 0, Abadeza 0, Lanot 0, San Juan 0

SSC 72 – Navarro 17, Calisaan 14, Yong 13, Magno 8, Costelo 7, Loor 4, Ilagan 4, Cruz 3, Gatdula 2, Santos 0, Causon 0

Quarterscores: 13-20; 29-33; 53-52; 76-72.

 

Show comments