^

PM Sports

Manny V. Pangilinan magkukuwento tungkol sa Gilas sa PBAPC Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ililitanya ni Manny V. Pangilinan, ang basketball patron at prime mover ng Philippine cage program, ang pinagdaanan ng Gilas Pilipinas para makalaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Gagawin ito ni Pangi­linan sa “A Banquet of He­­roes”ng PBA Press Corps sa Martes na iniha­handog ng Meralco sa Wack Wack sa Mandalu­yong City.

Ito ang magiging tampok sa event na magpaparangal sa mga indibidwal na nagbigay ng kontribusyon sa nakaraang PBA sea­son.

Ang Team PBA, ka­sama si Pangilinan, na bi­­nubuo ng mga team ow­­ners na sina Ramon S. Ang, Bert Lina, Mikee Ro­mero, George Chua, Ray­mund Yu at Terry Que at Wilfred Uytengsu, ang pa­boritong manalo ng Exe­cutive of the Year trophy na ipinangalan sa yu­ma­ong si Crispa bossman Dan­ny Floro.

Paglalabanan naman ni­na Grand Slam-winning coaches Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee at Lui­gi Trillo ng Alaska ang Coach of the Year award, ipi­nangalan kay Baby Dalupan.

Pararangalan din ng mga miyembro ng 1973 at 1986 champion Asian Bas­ketball Confederation teams ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.

Dadalo sa event sina Bogs Ador­na­do, Jimmy Ma­riano, Man­ny Paner at Yoyong Mar­tirez ng 1973 team.

 

A BANQUET OF HE

ANG TEAM

ASIAN BAS

BABY DALUPAN

BERT LINA

BOGS ADOR

COACH OF THE YEAR

GILAS PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with