Baculi sinibak ng Globalport; Ticzon itinalagang interim coach
MANILA, Philippines - Sa pagpapatalsik ng GloÂbalport kay Junel BaÂculi bilang head coach ay iniluklok naman ng BaÂtang Pier si assistant RitÂchie Ticzon bilang interim coach.
Ayon kay team maÂnager Erick Arejola, tututukan na lamang ni Baculi ang kanyang trabaho sa NaÂtional University bilang athletic director.
“After the meeting betÂween the management and coach Junel last night (Biyernes), both parties have agreed that coach JuÂnel will focus on his resÂponsibilities as athletic diÂrector of the National UniÂversity,†sabi ni ArejoÂla.
“On the other hand, we have appointed RitÂchie Ticzon as interim head coach, while Erik GonÂzales will be our lead assistant,†dagdag pa nito.
Bago pa man mangyaÂri ito ay kumalat na sa soÂcial media ang paghahaÂnap ni team owner Mikee RoÂmero ng magiging kapalit ni Baculi.
Ang 5-foot-7 na si TicÂzon ay naglaro paÂra sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP at naÂging draftee ng Coney Island (Purefoods) sa PBA noong 1994.
Kabilang sa mga nasa listahan ni Romero bilang head coach ng Globalport ay sina Nash at Olsen RaÂcela, si Alaska Milk asÂsistant Alex Compton at Air21 mentor Franz PuÂmaren.
Sa ilalim ni Baculi ay tumapos ang Globalport bilang pang-lima sa nakaÂraang 2013 PBA Governors’ Cup na pinagharian ng San Mig Coffee.
Samantala, lumagda na ng kontrata sina rooÂkies Terrence Romeo at Nico Salva sa Batang Pier.
Pumirma si Romeo, ang 2013 UAAP Most VaÂluable Player para sa FEU, sa isang three-year deal na nagkakahalaga ng P9 milyon, habang luÂmagda si Salva, isang two-time UAAP Finals MVP ng Ateneo, sa isang two-year pact na aabot sa P3.5 milyon.
Maliban kina Romeo at Salva ang iba pang drafÂÂtees ng Globalport ay siÂÂna RR Garcia, Jopher CusÂtodio at LA Revilla buÂÂkod pa sa mga bagong hugot na sina rookie center Justin Chua, Rico Villanueva, Eric Menk at Leo Najorda.
Makakasama nila sina Sol Mercado, Jay WaÂshington, Kelly NaÂbong, JonÂdan Salvador, Jaypee Belencion at Mark Yee.
- Latest