^

PM Sports

Lakers, Miami at Denver nakalusot

Pang-masa

HOUSTON — Pumukol si Steve Blake ng 3-pointer sa huling 1.3 segundo ng laro upang ihatid ang Los Angeles Lakers sa 99-98 panalo kontra sa Houston at kanilang ex-teammate na si Dwight Howard nitong Huwebes.

Napigilan din ng Miami ang Los Angeles Clippers at naungusan ng Denver ang Atlanta.

Lamang ang Houston ng dalawang puntos nang kinuha ni Blake ang inbounds pass at pakawalan ang game winning triple.

May tsansa ang Rockets na ipanalo ang laro bago tumunog ang final buzzer, ngunit tumalbog ang triple attempt ni Patrick Beverley sa backboard.

Nagtala si James Harden ng 35 points at tumapos si Howard ng 15 points at 14 rebounds laban sa kanyang dating team. Nagmintis si Howard ng pitong free throws sa huling 3 1/2 minutes na nagpanalo sana sa Houston.

Nagtala naman si Dwyane Wade ng 11 sa kanyang 29 points sa fourth quarter upang ihatid ang Heat sa 102-97 panalo kontra sa Clippers.

Nagdagdag si LeBron James ng 18 points para sa Heat (4-2), na nanalo ng kanilang ikatlong sunod at dinugtungan ang kanilang club record sa pag-iskor ng hindi bababa sa 100 points sa ikaanim na sunod na panalo sa pagsisimula ng season.

Nagposte naman si  Ty Lawson ng 23 points at eight assists nang takasan ng Denver ang Atlanta  sa 109-107 panalo na una para kay head coach Brian Shaw.

Nagdagdag si Nate Robinson ng 15 points at si JaVale McGee ay may 14 para sa  Denver na bumangon mula sa eight point deficit sa fourth quarter  bago nalagpasan ang paghahabol ng Atlanta.

BRIAN SHAW

DWIGHT HOWARD

DWYANE WADE

HOWARD

JAMES HARDEN

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

NAGDAGDAG

NAGTALA

NATE ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with