^

PM Sports

Judiciary kampeon ng 1st UNTV Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipasok ni Ariel Capus ang mahalagang jumper sa huling 23 segundo para ibigay sa Judiciary ang 86-83 panalo sa Philippine National Police at hiranging kampeon ng 1st UNTV Cup na pinaglabanan noong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Capus taglay ang 13 puntos at ang kanyang fade away jumper ang nagsantabi sa pagkalusaw ng 60-49 kalamangan sa ikatlong yugto at nakitaan pa ng pagtabla ng PNP sa 69-all tungo sa 2-0 sweep sa best-of-three championship series.

Si Don Camaso ay may 29 puntos, 8 rebounds at 4 blocks, si John Hall ay may 10 habang ang mga off-the-bench na sina Kevin Enriquez at Julius Caesar Rabino ay may 13 at 11 pa para sa balanseng pag-atake na ikinatuwa ng mga panatiko sa pa-ngunguna ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pinanood ang laban.

Si Breakthrough and Milestones Production International Chairman/CEO Daniel Razon ang nagpresenta kay Chief Justice Sereno ng championship trophy at tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon na ibibigay ng Judiciary sa mga biktima ng lindol sa Bohol.

Halagang P500,000.00 ang nakuha ng PNP na kanilang ibibigay sa Masonic Charities for Crippled Children.

Sinandalan naman ng PBA Legends ang pag-iinit ni Gerry Esplana sa 3-point line sa huling minuto ng labanan para itakas ang 75-74 panalo sa  pinalakas na Public Servants All Stars sa unang laro.

ARIEL CAPUS

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

CHIEF JUSTICE SERENO

CRIPPLED CHILDREN

DANIEL RAZON

GERRY ESPLANA

JOHN HALL

JULIUS CAESAR RABINO

KEVIN ENRIQUEZ

MASONIC CHARITIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with