MANILA, Philippines - Hangad ng bagong world 10-ball champion na si Rubilen Amit na makapagbigay pa ng karangalan sa bansa sa kanyang paglahok sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa susunod na buwan.
Nagtala ng kasaysayan si Amit bilang unang babaeng two-time winner ng prestihiyosong world 10-ball matapos makopo ang 2013 crown sa kanyang come-from-behind 10-7 panalo kontra kay Kelly Fisher ng Britain noong Lunes ng gabi.
Una niyang nakopo ang titulo noong 2009.
“This is a big confidence booster going to the next tournaments,†pahayag ni Amit.
Si Amit ay kakatawan ng Pinas sa Myanmar SEAG kung saan lalaban siya sa 10-ball event na ngayon pa lang naisama sa calendar of events. Lalaban din siya sa 9-ball competition.
“That (9-ball gold) is really my target in the SEAG,†sabi ni Amit.
Sa kabuuan y may apat na gold medal na ito sapul nang masama bilang medal sport ang women’s billiards noong 2005.
Sa kanya ang 8-ball at 9-ball golds noong 2005 at 2009 editions at nanalo ng 8-ball bronze noong 2007.
Sa Indonesia, dalawang taon na ang nakakaraan, nakuha ni Amit ang runner-up honors kay Iris Rañola sa 9-ball play.
Muling umangat ang Cebuana matapos ang apat na taon.
“I was really pressured. But thank God, He still gave it to me. The crowd was also a big help to my title bid, they helped carry me through,†sabi ni Amit na talagang pinaghandaan ang torneo.
Inamin ni Amit na na-pressure siya sa finals.
“It’s all about determination, if given a chance, take advantage,†aniya.