42nd Open Tenpin Bowling Championships

MANILA, Philippines - Premyong P600,000.00 ang nakataya para sa 42nd Philippine International Open Tenpin Bowling Championships na gugulong ngayong alas-10 ng umaga sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Ang magkakakampeon sa men’s at ladies Open Masters division ay makakakuha ng P150,000.00 at P60,000.00, ayon sa pagkakasunod.

Ang premyong P30,000.00 ang ibibigay sa mana­nalo sa Toti Lopa Memorial Cup at P50,000.00 ang ta­tanggapin ng mga bowlers na makakapaglista ng perfect game.

Sina Cainta Mayor Kit Nieto at PSC Commissio­ner Iggy Clavecilla ang guest of honor para sa opening ceremony sa 15-day competition na itinataguyod ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, Philippine Olympic Com­mittee at ng Philippine Sports Commission.

 

Show comments