MANILA, Philippines - Umaasa ang San Beda College na makakakuha sila ng pantay na pagtraÂto sa isinasagawang imbesÂtigasyon patungkol sa aleÂgasyon na naglaro sa ibang liga si San Beda guard Ryusei Koga habang idinadaos ang 89th NCAA men’s basketball.
Nagtatag na ang MaÂnagement Committee sa paÂÂngunguna ng chairman Dax Castellano ng host St. Benilde ng isang komite para suriin ang alegasyon pero hindi binanggit ni CasÂtellano kung tunay ba na mayroong nagrereklamo laban sa Red Lions.
Tinanggap ng San Beda ang imbestigasyon peÂro hanap din nila ng maÂbigyan ng due process at hindi ang basta-basta na lamang babawiin ang mga nakuhang panalo kung mapatunayan na lumabag nga si Koga sa alituntunin ng liga.
“We’ll cooperate (inÂvesÂtigation). But I just hope that they will give us time to respond and not just make a sudden change in the standings to be fair to us,†wika ni San Beda team manager Jude Roque.
Suspensyon ng tatlong laro ang ipapataw kay KoÂga kung mapatunayan ang alegasyon, habang baÂbawian ang San Beda ng mga napanalunang laro muÂla sa petsang nadiskubÂre na naglaro sa ibang liga ang kanilang manlalaro.
Sinasabing isang inter-barangay league sa PaÂrañaque City naglaro si KoÂga noong Setyembre 17.
May anim na laro pa ang hinarap ng Red Lions pero lima lang ang napagÂlaruan ni Koga.
Sa bilang na ito ay apat ang naipanalo ng San BeÂda at kung babawiin ito, malalaglag sila mula sa unang puwesto (15-3) tungo sa pang-apat na puwesto sa 11-7 baraha.
Hindi naman nakakaÂapekto ang problemang ito sa Red Lions at kamaÂkailan ay nagsagawa ng team building para pagtibayin pa ang samahan.
Ang paghahanda ay nakatuon pa rin sa pagÂhaÂrap sa Perpetual Help na siyang orihinal na nasa ikaÂapat na puwesto matapos ang double round eliÂmination.