^

PM Sports

Hiling ng San Beda College sa NCAA ManCom Sapat na panahon para sagutin ang isyu ukol kay Koga

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaasa ang San Beda College na makakakuha sila ng pantay na pagtra­to sa isinasagawang imbes­tigasyon patungkol sa ale­gasyon na naglaro sa ibang liga si San Beda guard Ryusei Koga habang idinadaos ang 89th NCAA men’s basketball.

Nagtatag na ang Ma­nagement Committee sa pa­­ngunguna ng chairman Dax Castellano ng host St. Benilde ng isang komite para suriin ang alegasyon pero hindi binanggit ni Cas­tellano kung tunay ba na mayroong nagrereklamo laban sa Red Lions.

Tinanggap ng San Beda ang imbestigasyon pe­ro hanap din nila ng ma­bigyan ng due process at hindi ang basta-basta na lamang babawiin ang mga nakuhang panalo kung mapatunayan na lumabag nga si Koga sa alituntunin ng liga.

“We’ll cooperate (in­ves­tigation). But I just hope that they will give us time to respond and not just make a sudden change in the standings to be fair to us,” wika ni San Beda team manager Jude Roque.

Suspensyon ng tatlong laro ang ipapataw kay Ko­ga kung mapatunayan ang alegasyon, habang ba­bawian ang San Beda ng mga napanalunang laro mu­la sa petsang nadiskub­re na naglaro sa ibang liga ang kanilang manlalaro.

Sinasabing isang inter-barangay league sa Pa­rañaque City naglaro si Ko­ga noong Setyembre 17.

May anim na laro pa ang hinarap ng Red Lions pero lima lang ang napag­laruan ni Koga.

Sa bilang na ito ay apat ang naipanalo ng San Be­da at kung babawiin ito, malalaglag sila mula sa unang puwesto (15-3) tungo sa pang-apat na puwesto sa 11-7 baraha.

Hindi naman nakaka­apekto ang problemang ito sa Red Lions at kama­kailan ay nagsagawa ng team building para pagtibayin pa ang samahan.

Ang paghahanda ay nakatuon pa rin sa pag­ha­rap sa Perpetual Help na siyang orihinal na nasa ika­apat na puwesto  matapos ang double round eli­mination.

BUT I

DAX CASTELLANO

JUDE ROQUE

KOGA

PERPETUAL HELP

RED LIONS

RYUSEI KOGA

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with