Napasabak agad si Banchero sa pisikal na laro

Laro BUKAS

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

 12 p.m. – Zambales M-Builders vs Wang’s Basketball

2p.m. – Arellano U

 vs Hog’s Breath Café

4p.m. – Cebuana Lhuillier

vs Café France

 

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na napansin agad ni Chris Banchero sa unang laro sa PBA D-League, ito ay ang pagiging pisikal ng laro sa liga.

“It’s a lot physical here and you get away with a lot of it,” wika ni Banchero, ang MVP ng ASEAN Basketball League (ABL) nang tulungan ang San Miguel Beermen na magkampeon sa liga.

Hindi naman nasira ang husay ng Fil-Italian guard  sa pisikal na laro matapos gumawa ng 15 puntos, 6 rebounds at 4 assists para tulungan ang Boracay Rum sa 86-59 panalo sa Derulo Accelero sa pagpapatuloy ng Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano Gym.

Hindi niya kinaila-ngang umiskor ng marami dahil maganda rin ang inilaro ng ibang kasamahan tulad ng bagito ring si Mark Belo na may 16 puntos.

Nagbagsak naman ng 15 sa kanyang 25 puntos si Jopher Custodio sa second half para iwanan ng Jumbo Plastic ang National University-Banco de Oro, 76-56 sa unang laro.

Ang mga higanteng sina Jason Ballesteros, Jan Colina at Marion Magat ay nagsanib sa 40 points para biguin ang nais na magandang panimula ng Bulldogs na hindi nagamit si Bobby Ray Parks Jr. (AT)

 

Show comments