MIAMI -- Sa unang pagkakataon ngayong season ay nag-ensayo ang Miami Heat na mayroon lamang 15 players sa kanilang roster.
At kasama dito si Michael Beasley.
Walang katiyakan kung mananatili si Beasley sa MiaÂmi matapos tanggapin ang isang one-year non-guaranteed contract.
Ngunit kasama siya ng Heat sa pagtanggap ng chamÂpionship rings at masasaksihan ang pagtaas ng kaÂnilang championship banner sa Martes ng gabi.
Hindi makakakuha si Beasley ng championship ring, ngunit sinabi niyang isang inspirasyon na ang maÂpasama sa naturang okasyon.
“Regardless of the year or who you have returning from your roster and who you’re bringing in, it’s always so many tough decisions,†sabi ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra.
“I sat in (Friday night’s meeting) for about an hour. They stayed there until about 3 o’clock in the morning, talking about the roster and the last few spots. It always comes down to it. I don’t know why. Now we’ve got our 15 and we’re looking forward to starting the next step,†dagdag pa nito.
Nakasama na ni Beasley sina Dwyane Wade, Udonis Haslem, Mario Chalmers, James Jones at Joel Anthony sa kanyang unang taon sa Miami.
Kung pagsasamahin ay tatanggap ang mga ito ng 12 Heat championship rings, habang hihintayin pa ni Beasley ang una niyang singsing.
“We can’t play 82 games tomorrow and play a whole season in the next week,†ani Beasley. “I’ll continue to work hard, continue to do my part, continue to gain the trust of my teammates. If I get that chance, I get that chance. Just trying to take it day by day.â€