Judiciary lumapit sa UNTV Cup crown
MANILA, Philippines - Tinalo ng Judiciary ang Philippine National PoÂlice, 80-76, sa Game One para sa 1st UNTV Cup Finals kahapon sa TresÂton College Gym sa GloÂbal City, Taguig.
Nagtumpok sina John Herbert Bergonio at FreÂderick Salamat ng piÂnagsamang 9 points sa huÂling 10 minuto ng laro paÂra ibigay sa Judiciary ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three championship series.
Nadepensahan naman ng PNP sa final canto sina dating PBA player Don Camaso at Ariel Capus ng Judiciary.
“Nagtulungan lang siÂla sa huli. Teamwork ang susi sa panalo,†wika ni coach Dennis Balason.
Nagbida rin si John Hall para sa Judiciary na nagÂtayo ng isang 13-point lead, 48-35, sa halftime.
Nauna nang natalo ang Judiciary sa PNP sa overtime, 89-92, sa elimination round.
Maaari nang makamit ng Judiciary ang korona at ang premyong P1 milÂyon ng nag-oorganisang BreakÂthrough and Milestones Production InternaÂtional ni chairman at CEO DaÂniel Razon sa Game Two laban sa PNO sa NobÂyembre 5 sa Smart AraÂneta Coliseum.
Pinangunahan ni CaÂmaso ang Judiciary mula sa kanyang 24 points at 10 boards, habang may 19 markers si Hall.
Binanderahan ni Olan Omiping ang PNP mula sa kanyang 42 points.
Inangkin naman ng Armed Forces of the PhiÂlipÂpines (AFP) ang third place sa kanilang 96-84 pagÂgiba sa PhilHealth.
- Latest