Blake nagbida sa panalo ng Lakers

ANAHEIM, Calif. -- Humugot si Steve Blake ng 13 sa kanyang 19 points sa third quarter, habang may tig-16 naman sina Pau Gasol at Nick Young para aka­yin ang Los Angeles Lakers sa 111-106 panalo laban sa Utah Jazz sa kanilang preseason finale .

Pinangunahan ni Gordon Hayward ang Utah sa kan­yang 18 points at 7 rebounds.

Nagdagdag naman si Alec Burks ng 18 markers ga­ling sa bench.

Umiskor si Rudy Gobert ng 12 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para idikit ang Jazz sa Lakers.

Matapos magtala ang Lakers ng 15-point lead sa third period ay nakalapit ang Jazz sa 96-100 buhat sa three-point shot ni Lester Hudson sa 5:41 ng fourth quarter.

Tinapos ng Lakers ang preseason bitbit ang 4-4 baraha.

 

Show comments