Paolo nasa listahan para sa coaching job ng UP Maroons
MANILA, Philippines - Naisama sa listahan ang pangalan ni dating PBA guard Paolo MendoÂza para sa bagong head coach ng University of the Philippines.
Inamin ni Mendoza, ang dating UP star mula high school hanggang colÂlege, na nagsumite siya ng aplikasyon para sa natuÂrang posisyon.
Nagtala ng nakadidismayang 0-14 record ang Fighting Maroons sa naÂkaÂraang 76th season ng UAAP.
Bukod kay Mendoza, ang iba pang nasa listahan ng UP ay sina interim coach Rey Madrid, Big Chill mentor Robert Sison, dating UP assistant coach Jojo Villa at UP juÂniors basketball team coach Allan Gregorio.
Minsan nang umiskor ang six-footer na si Mendoza ng 69 points sa isang laro niya sa high school.
Si Mendoza ang kasalukuyang mentor ng DeÂruÂlo Accelero Oilers sa PBA D-League.
- Latest