MANILA, Philippines - Nakipag-draw si FiliÂpiÂno Grandmaster Wesley So kay Dutch GM Robin Van Kampen sa isang 59-move ng Ruy Lopez duel para makalapit sa pag-angkin sa titulo ng 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands bagama’t may isang round pang natitira.
Naglaro sa itim na piÂyeÂsa, isinakripisyo ng Filipino ace ang kanyang central pawn sa 29th move na nagresulta sa paglamang niÂya kay Kampen.
Matapos makamit ang pawn advantage, naÂbiÂgo pa rin si So na talunin si Kampen na nagresulta sa draw.
May 4.0 points ngaÂyon ang 20-anyos na si So, No. 40th sa buong munÂdo, at nakatakdang kuÂnin ang korona anuman ang maging resulta ng laro ni top seed Michael AÂdams ng England na may aveÂrage rating na 2689 at nagdadala ng 3.5 points.
Ito ang ikalawang draw ni So sa torneo maÂtapos ipanalo ang una niyang tatlong laro.
Nauna nang kinuha ni So ang gold medal sa UniÂversity Games sa Kazan, Russia.
Nakatakda niyang laÂbaÂnan si Adams, may-ari ng pinakamataas na FIDE rating sa 2753.