Raptors ginamit ang option kina Valanciunas, Ross

TORONTO -- Ginamit ng Toronto Raptors ang kanilang third-year team options sa entry-level contracts nina center Jonas Valanciunas at guard Terrence Ross.

Dahil dito, maglalaro pa sina Valanciunas at Ross sa Toronto hanggang 2014-15 season.

Ang 7-foot na si Valanciunas ng Lithuania ay kinuha ng Raptors bilang fifth overall pick noong 2011 draft at naglaro sa ibang bansa noong 2011-12 season.

Naglista siya ng average na 8.9 points noong nakaraang season.

Ang 6-foot-7 namang si Ross ay ang eighth overall noong 2012 at nagtala ng average na 6.4 points noong nakaraang season.

Siya ang nanalo sa dunk competition ng nakaraang NBA All-Star game.

Show comments