NEW YORK -- Nagsama-sama ang mga team owners bago ang pagbaba sa puwesto ni NBA Commissioner David Stern matapos ang 30 taon sa liga.
Kasama sa pag-alis ni Stern ay ang kanyang ipinatupad na NBA Finals format.
Simula sa 2014 finals, ang higher-seeded team ang mamamahala sa Games 1, 2, 5 at 7, habang ang lower seed ang mangangasiwa sa Games 3, 4 at 6.
Ito ang format na ginagamit ng NBA sa iba pang playoff rounds.
Sa nakaraang 29 taon ay ginagamit ng NBA ang 2-3-2 format kung saan ang higher seed ang namamahala sa Game 1 at 2 bago maglaro ng tatlo sa balwarte ng kanilang kalaban.
Ang 2-3-2 format ay ipinatupad noong 1985 para malaman ang gastusin sa cross-country travel kung saan palaging naglalaro para sa NBA Finals ang Cel-tics at ang Lakers.
“There certainly was a perception ... it was unfair to the team that had the better record, that it was then playing the pivotal Game 5 on the road. So this obviously moves that game back to giving home-court advantage to the team with the better record if it’s a 2-2 series,’’ ani Deputy Commissioner Adam Silver na papalit kay Stern.
Ang unanimous vote para aprubahan ang 2-2-1-1-1 format ay nangyari nitong Miyerkules sa huling final preseason meeting ni Stern kasama ang board of governors.