Cavs ginamit ang contract options kay Irving at 3 pa
CLEVELAND -- Ginamit ng Cavaliers ang kanilang fourth-year contract options kina All-Star guard Kyrie Irving at forward Tristan Thompson.
Ito rin ang kanilang ginawa para kina guard Dion Waiters at forward Tyler Zeller.
Kumilos ang Cleveland bago buksan ang kanilang 2013-14 season laban sa Brooklyn.
Ang options kina Irving at Thompson ay para sa 2014-15 season.
Maaaring alukin ng Cavs ang dalawang players ng contract extensions kung saan posibleng tumanggap si Irving ng halos $7.5 milyon sa susunod na season at $5.4 milyon naman si Thompson.
Napabilang si Irving sa All-Star team sa kanyang ikalawang season matapos siyang magtala ng mga ave-rages na 22.5 points at 5.9 assists sa 59 games.
Samantala, natalo ang Cavaliers sa Washington Wizards, 82-101 sa kanilang preseason match.
- Latest