Kumpiyansa ang Blackwater
Laro BUKAS
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
1 p.m. – Opening Ceremonies
2 p.m. – Café France
vs Cagayan Valley
4 p.m. – Derulo Accelero
vs Zambales M-Builders
MANILA, Philippines -May kumpiyansa ang Blackwater Sports na mapalawig sa dalawang sunod ang dominasyon sa PBA D-League.
“Yes, we have a positive outlook with our team. We will have the same goal of getting the back-to-back championship for Blackwater,†wika ni Elite coach Leo Isaac na naging pana-uhin sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Ito ang pahayag ni Isaac matapos sabihin ng kinatawan ng apat na iba pang kasaling koponan na ang Elite at multi-titled NLEX ang siyang team-to-beat sa Aspirants’ Cup na bubuksan bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
“I’m not underestima-ting the other teams but it’s very obvious, the teams that played in the Finals of the last conference, NLEX at Blackwater, will be the teams-to-beat,†pahayag ni Big Chill mentor Robert Sison na sinama-han sa forum nina Cebuana Lhuillier assistant coach Nomar Isla, Road Warriors deputy Adonis Tierra at Café France assistant Jun Tiongco.
Tanggap man ito ni Isaac, hindi ito mangangahulugan na madali nilang mapangangatawanan ang pagiging team-to-beat dahil kailangan nilang magsumikap sa pagsasanay at sa bawat laro bunga ng katotohanang ang ibang teams ay gusto silang pababain sa kinalulugarang pedestal.
Ang paniniwalang ito ay suportado ni Tierra na kinatawan si NLEX mentor Boyet Fernandez na nabigo sa inasintang five-peat noong nakaraang Foundation Cup nang yumuko sa Elite.
“Last year ay nagkaroon na kami ng lesson dahil natalo kami sa inaasam na five-peat. This time, mabigat ang laban dahil magaganda ang line-ups ng mga teams. Mahirap magkumpiyansa,†ani Tierra.
Ang NLEX ay katatampukan ng anim na manlalaro ng San Beda at dahil patuloy pa ang laro sa NCAA, hindi pa mabuo ang pagsasanay ng koponan.
Ang problemang ito ay hindi nangyayari sa Bakers, Gems at Superchargers na hindi kumuha ng mga players mula sa NCAA.
Ang NAASCU champion na Centro Escolar University ang suportado ng Café France, ang UE ang kinuha ng Cebuana Lhuilliers habang selection ng mga beterano ang bubuo sa Big Chill.
- Latest