Natumbok ng Sharpshooter

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ni jockey Mark Alvarez ang magandang pagrenda sa kabayong Sharpshooter habang nagpasikat din ang Best Guys nang lumabas bilang long shot noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tumakbo ang Sharpshooter sa 3YO Special Handicap Race na nilahukan ng anim na bigating kabayo sa 1,300-metro distansya at naipakita uli ng nasabing kabayo ang tulin para manaig sa Balbonic na hawak ni JPA Guce.

Galing sa panalo ang Balbonic noong Agosto 18 sa nasabing race track ngunit kinapos ito para malagay sa pangalawang puwesto sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong takbo.

Ang El Libertador na ginabayan ngayon ni AR Villegas mula sa dating mga hinete na sina Jonathan Hernandez at KB Abobo ay nalagay sa ikatlong puwesto.

Pumangalawa ang Sharpshooter sa nasabing karera, ang win ay nagkakahalaga ng P5.00 habang ang 4-1 forecast ay may P15.50 na ipinamahagi.

Ang apprentice jockey na si RC Tablor ang siyang sumakay sa Best Guys na kumarera sa mas mataas na class 4 division sa 1,500-metro distansya.

Inakyat ng handlers ang nasabing kabayo mula class division 3 matapos ang pa-ngatlo at pangalawang puwestong pagtatapos sa dalawang takbo noong buwan ng Setyembre.

Ang Classic Play na sakay ni JD Flores ay ga-ling sa panalo sa huling takbo sa CD3 ay puma-ngalawa sa karera. May P44.00 ang win habang ang 4-3 forecast ay umabot sa P306.00 dibidendo.

Show comments