Landry INoperahan sa hita

SACRAMENTO, Calif. – Inoperahan si Sacramento Kings power forward Carl Landry nitong Martes at posibleng hindi makalaro nang husto sa darating na season.



Napunit ang flexor muscle sa hita ni Landry sa isang practice at matetengga ng tatlo hanggang apat na buwan.

Ayon sa team, si Dr. William Meyers ng Philadelphia ang nag-opera. Pumirma si Landry ng $26 million, four-year contract noong July. Nag-average siya ng 10.8 points at six rebounds sa 23.2 minutes off the bench para tulu-ngan ang Golden State na makarating sa second round ng playoffs noong nakaraang season.



Show comments