Phl Womens cagers, Pinoy Pride sa PSA

MANILA, Philippines - Ang National women’s basketball team na nakatakdang sumabak sa FIBA-Asia Women’s Cham-pionship sa Thailand ang special guests ngayon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Darating si coach Heidi Ong at inaasahang kasama niya ang buong team sa public sports program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Shakey’s at Pagcor.

Tatalakayin ng team ang tungkol sa kanilang kampanya sa torneong magsisilbing qualifying tournament para sa FIBA World Championships For Women na nakatakda sa Turkey sa susunod na taon.

Ang resulta rin ng laban ng Women’s team ang magiging basehan kung isasama sila sa Philippine delegation na ipapadala sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar o hindi.

Pagkatapos ng session, ang mga miyembro ay inaanyayahang manatili para sa press conference ng Pinoy Pride 23 na dadaluhan ng kasalukuyang world champions na sina Donnie `Ahas’ Nietes, Merlito Sabillo, Milan Melindo, AJ Banal at Jason Pagara.

Show comments