D-Rose hindi lumaro sa preseason game sa Brazil

MANILA, Philippines - Maganda ang ipinakita ni Derrick Rose sa kanilang mga preseason games nitong nagdaang linggo kung saan nakita ang bilis at galing ng isang dating MVP 18 months prior.

Nawala si Rose ng 18-buwan dahil sa napunit na ACL at bagama’t okay na siya  at handa na mentally at physically, nakaramdam na naman siya ng pamamaga sa kaliwang tuhod matapos ang ilang laro.

Bilang pag-iingat, hindi naglaro si Rose sa panalo ng  Bulls, 83-81  kontra sa Wizards sa kanilang pagbisita sa Rio de Janeiro, Brazil.

Show comments