Jeron Teng nakaramdam ng saya at lungkot

MANILA, Philippines - Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Jeron Teng matapos tumunog ang final buzzer na nagdeklara sa De La Salle University bilang bagong kampeon ng 76th UAAP men’s basketball tournament.

Masaya si Jeric dahil ito ang kanyang unang UAAP crown sa kanyang dalawang taon na paglalaro para sa Green Archers.

Malungkot naman ang 6-foot-2 forward dahil sa ka­biguan ng kanyang kuyang si Jeric Teng ng University of Sto. Tomas na makamit ang huli niyang UAAP title bago umakyat sa professional league. 

“When the buzzer sounded, I really didn’t know what to feel because on the other side I’m happy because we’re champions but on the other side ‘yung bro­ther ko, I feel his loss,” ani Jeron.

Kaagad na pinuntahan ni Jeron, hinirang na Finals MVP, si Jeric para yakapin at pakalmahin.

“Siyempre mahirap kasi my brother gave his all, played his heart out, for me he’s the deserving MVP for this series,” wika ni Jeron, minsang umiskor ng 100 points sa isang high school game.

Show comments