PNP, Judiciary target ang finals seat sa UNTV Cup

LARO NGAYON

(Treston College Gym, Global City, Taguig)

4 p.m. PNP

vs PhilHealth

5:30 p.m. AFP vs Judiciary

 

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Philippine National Police at ng Ju­di­ciary na maitakda ang ka­nilang championship show­down sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban sa semifinal round ng 1st UNTV Cup sa Treston College Gym sa Global City, Taguig.

Nagtala ng 6-0 record sa eliminations, la­labanan ng PNP ang Phil­Health nga­yong alas-4 ng hapon ka­sunod ang banggaan ng Ju­diciary at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 5:30 ng hapon.

Awtomatikong umabante sa semis ang PNP at ang Judiciary nang tumapos bilang No. 1 at No. 2 team, ayon sa pagkakasunod, sa elimination round at nabigyan ng ‘twice-to-beat’ advantage.

Show comments