^

PM Sports

Kina Jinkee at Rios nakatutok si Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatutok si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Brandon Rios at maging sa pang-lima nilang anak ng asawang si Jinkee.

May apat na anak ang mga Pacquiaos – sina Ji-muel, Michael, Princess at ang 5-gulang na si Queenie – at inaasahan na ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Actually hindi ko in-expect, pero ganito naman talaga,” sabi ni Jinkee na ibinunyag ang kanyang pagbubuntis sa National television.

“If it’s God’s will, siyempre tatanggapin mo. We’re very thankful that God gave us a new addition to our family,” dagdag pa nito.

Tatlong buwan na ngayon ang dinadala ni Jinkee, ang bagong halal na vice governor ng Sarangani.

Gusto niya ng anak na lalaki.

“Boy, para may ano sila... ‘yung mga boys ko, tatlo na silang basketball player!” wika ni Jinkee sa ABS-CBN.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao, isang basketball addict, si Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Macau.

Ipinagdiwang ng mga Pacquiaos ang kaarawan ni Queenie sa isang orphanage.

Sinabi ni Jinkee na hindi na sila nagdaraos ng isang malaking handaan sa tuwing may espesyal na okasyon at sa halip ay ibinabahagi nila ito sa mga mahihirap.

vuukle comment

BRANDON RIOS

IPINAGDIWANG

JI

JINKEE

MACAU

NAKATAKDANG

PACQUIAOS

QUEENIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with