Accel 3XVI NCAA Player of the week Dela Rosa ibinangon ang SBC

MANILA, Philippines - Pinagningas ni Rome dela Rosa ang pagbangon na ginawa ng San Beda upang maigawad sa kanya ang ACCEL 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.

May18 puntos bukod sa tatlong rebounds, isang assists at dalawang steals si Dela Rosa at siya ang umiskor ng pampanalong buslo mula sa magandang pasa ni Arthur dela Cruz tungo sa 72-68 panalo sa San Sebastian.

Ito ang ikalawang sunod na laro na nagbida ang anak ng dating PBA player na si Romy dela Rosa dahil sa 78-76 overtime panalo ng Lions sa Perpetual Help, siya ang nagbigay ng assists kay Dela Rosa tungo sa winning play.

“You’re not gonna have a great season if you don’t work hard so I keep pushing,” wika ng 22-anyos na beterano sa sikreto sa magandang ipinakikita.

Ang mga kakamping sina Olaide Adeogun bukod pa kina Raymund Almazan ng Letran, Mark Francisco ng Lyceum at Jolas Paguia ng Emilio Aguinaldo College ang iba pang manlalaro na ikinonsidera sa lingguhang parangal mula sa mga mamamahayag sa peryodiko at online publications na kumokober sa liga.

Show comments