MANILA, Philippines - Inangkin ng Letran ColÂlege ang playoff para sa isang silya sa Final Four matapos talunin ang buÂmubulusok na Jose RiÂzal University, 75-50, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball touÂrnament kahapon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Humakot si 6-foot-7 Raymond Almazan ng 14 points, 20 rebounds at 3 blocks para banderaÂhan ang panalo ng Knights.
Pinangunahan ni KeÂvin Racal ang Letran mula sa kanyang 17 markers, haÂbang nagtala sina Reneford Ruaya at Jojo Belorio ng tig-10 points.
Nagmula ang Knights sa 64-87 kabiguan sa EmiÂlio Aguinaldo GeneÂrals noong lingÂgo.
Pinamunuan naman ni Philip Paniamogan ang Jose Rizal mula sa kanyang 20 points.
Ito ang pang-limang suÂnod na kamalasan ng HeaÂvy Bombers.
Ipinoste ng Letran ang isang 14-point lead sa first period, 20-6, hanggang iwaÂnan ang Jose Rizal sa pagsasara ng third quarter bitbit ang 48-36 kalamaÂngan.
Mula dito ay hindi na niÂlingon pa ng Knights ang Heavy Bombers.
Sa juniors’ division, tiÂnakasan naman ng Letran Squires ang Jose Rizal Light BomÂbers sa overtime, 75-71.
May 8-6 record ngaÂyon ang Squires sa ilalim ng San Beda Red Cubs (14-0), San Sebastian StagÂÂlets (11-2), Mapua Red Robins (10-4) at CSB-LSGH Greenies (9-4) at kasunod ang Light BomÂÂbers (7-6).
(Juniors)
Letran 75 -- Balanza 22, Villanueva 15, Alacre 13, Sazon 11, Gonzales 5, GedaÂria 4, Ramirez 3, Castro 2, MagÂsino 0.
JRU 71 -- Adorio 25, DaÂda 11, Astrero 7, Estrella 7, Abrew 6, Garcia 6, Marcial 5, Anore 2, Bautista 2, DeÂla Virgen 0, Yazouri 0.
Quarterscores: 17-11; 37-22; 52-42; 63-63; 75-71 (OT).
(Seniors)
Letran 75 -- Racal 17, AlÂmazan 14, Ruaya 10, BeÂlorio 10, Nambatac 7, Tambeling 6, Cruz 6, Luib 5, Po 0, Olotu 0, Buenaflor 0, Publico 0.
JRU 50 -- Paniamogan 20, Lasquety 9, Mabulac 6, Salaveria 6, Dela Paz 5, DieÂgo 2, Sanchez 2, Pontejos 0, Cortez 0, Juanico 0, Gozum 0, Balagtas 0, Grospe 0, Abanto 0.
Quarterscores: 20-6; 34-22; 48-36; 75-50.