MANILA, Philippines - Matapos makasiguro ng Final Four berth, nakatu-on ang Cagayan Province sa pananatili sa liderato sa kanilang tangkang ikasiyam na sunod na panalo kontra sa Meralco habang hangad naman ng Smart-Maynilad na ipagpatuloy ang dominasyon kontra sa Phl National Police sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference na magpapatuloy sa The Arena sa San Juan City ngayon.
Nasustinihan ng Ri-sing Suns ang pag-sweep sa unang round nang kanilang igupo ang Air Women noong Martes tu-ngo sa kanilang ikawalong sunod na panalo.
Kung magtatagumpay ang Cagayan kontra sa Power Spikers sa alas-4:00 ng hapon ay makakalayo sila sa pumapa-ngalawang Army.
Tulad ng Rising Suns, nakasisiguro na rin sa semis ang Army Women matapos ang three-set win kontra sa Power Spikers noong Martes para manatiling nakadikit Cagayan sa 8-1.
Ang Cagayan ay pinapaboran uling manalo sa Meralco lalo na’t nais ni Thai reinforcement Kannika Thipachot na makabawi sa kanyang limitadong pagkakasalang sa court sa nakaraan.
Sa 3-5, ang Meralco ay fifth sa six-team quarters cast at kailangan nilang ma-sweep ang huling apat na games at umasang ang Smart-Maynilad (5-3) at Air Force (5-4) ay hindi lumampas sa 7-panalo para makapuwersa ng playoff para sa huling Final Four berth.
Tangka naman ng Net Spikers ang ikaanim na panalo sa pagharap sa Patrolers (2-6) sa alas-2:00 ng hapon. Na-sweep ng Smart-Maynilad ang PNP sa elims at pinapaboran pa rin silang manalo matapos lumakas ang roster.
Si Alyssa Valdez na top hitter ng Ateneo, ay nagtala ng 53-hit sa kanyang unang dalawang games sa Smart habang si Thai ace Lithawat Kesinee ay nag-average ng 20 points.