Back-to-back title tangka ng St. Clare

MANILA, Philippines - Itala ang pangalan sa hanay ng mga koponan na nakadalawang dikit na titulong napanalunan sa NAASCU ang balak gawin ng Saint Clare College of Caloocan na makikipagtuos uli sa Centro Escolar University sa Makati Coliseum ngayon.

Dakong alas-10:30 ng umaga gagawin ang Game Two ng best-of-three finals at nais ng Saints na maduplika ang 70-68 panalo sa Scorpions noong Miyerkules.

Ang huling panalong naitala ay kauna-unahan sa taon ng St. Clare sa Scorpions na siyang nasweep ng 11-game elimi-nation round.

Sina Bong Managuelod, Rodrigue Ebondo, Robin Dulalia at Marte Gil ang mga kakamada uli tulad ng kanilang ginawa sa Game One.

Bago ito ay mauunang magtutuos ang CEU at Rizal Technological University sa women’s division  sa ganap na alas-7:30 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Our Lady of Fatima University at CEU sa juniors division dakong alas-9 ng umaga.

Nanalo sa Game One ang CEU at Fatima at kailangan na lamang nila na maulit ito para kila-lanin bilang kampeon ng kanilang mga dibisyon.

 

Show comments