MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Inangkin ni Ivan Miguel Santos ng Cebu City ang unang gold medal na itinaya sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg matapos pangunahan ang boys 5,000-meter kahapon sa Southern Leyte Sports Complex dito.
Ang 14-anyos na si Santos, anak ni Lt. Col. Michael Santos na naka-base na sa Cotabato City, ay naka-pacing mula simula hanggang sa huli bagama’t may sipon at ubo ito para tapusin ang karera sa bilis na 18-minuto at 31 segundo.
“Salamat sa Diyos na nanalo ako kahit masama ang pakiramdam ko,†sabi ng 5-foot-9 na si Santos, high school junior sa University of San Carlos na ginagabayan nina coaches Arvin Loberanis at Ilde Banson.
Ang paboritong event ni Santos ay 3,000 steeplechase na wala sa palarong ito kaya nagdesisyon ang kanyang mga coaches na ilahok na lamang siya sa middle at long distance events.
Tulad ni Santos, nanalo rin ng gold ang kanyang teammate na si Shantel Tanucan sa long jump event sa kanyang lundag na 4.56 meters.