Bakbakang St. Clare vs CEU sa NAASCU finals

Laro Ngayon

(Makati Coliseum)

7:30 am CEU vs. RTU (W)

9 am CEU vs. OLFU (Jrs)

10:30 am CEU vs. St. Clare (Srs)

 

MANILA, Philippines - Unahan sa 1-0 karta ang nagdedepensang kampeon Saint Clare College of Caloocan at Centro Escolar University sa 13th NAASCU Seniors basketball finals ngayon sa Makati Coliseum.

Sa ikatlo at huling laro dakong alas-10:30 ng umaga itinakda ang bakbakan na kung saan itataya ng Scorpions ang 11-0 recrd matapos ma-sweep ang elimination round para dumiretso ang tropa ni  coach Edgar Macaraya sa championship at tiyak na isasandal niya ang laban kina Joseph Sedurifa, Alvin Abundo, Samboy de Leon, Rodrigue Ebondo at dating juniors MVP Aaron Jeruta.

Pero ang puso ng isang kampeon ang inaasa-hang ilalabas ng Saints na tinalo muna ang Our Lady of Fatima, 76-66, para makuha ang karapatang labanan ang CEU.

Ang Game 2 ay pag-lalabanan sa Miyerkules.

Show comments