Humirit ang Express

MANILA, Philippines - Bagama’t nakaapekto ang kinasangkutang trade, sinabi ni coach Franz Pumaren na sa susunod na season ay maganda ang maipapakita ng kanyang Air21.

Umiskor si import Zach Graham ng 27 points, habang nagtala si guard Simon Atkins ng 22 markers mula sa kanyang 6-of-6 shooting sa three-point range kasunod ang 21 ni Joseph Yeo para pangunahan ang Express sa 121-107 panalo laban sa Alaska Aces sa pagtatapos ng elimination round ng 2013 PBA Go-vernor’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

“That’s the downside when you make changes du-ring the course of the season. But the trade that consumated will benefit us down the road,” ani Pumaren. “Too bad our destiny right now is not in our hands. We’re hoping a miracle will happen in the second game.”

Kinuha ng Express sina Yeo at Asi Taulava mula sa trade sa Meralco Bolts sa hangaring makapasok sa quarterfinals.

Magkakaroon lamang ng tsansa ang Air21 sa playoff para sa No. 8 seat sa quarterfinals kung tatalunin ng Talk ‘N Text ang Barangay Ginebra ng hindi bababa sa 22 puntos sa ikalawang laro kagabi.

Ang pagkatalo ng Alaska ang naghulog sa kanila sa No. 7 spot at makakasagupa nila sa quarters ang No. 2 na San Mig, habang makakaharap ng No. 3 na Meralco ang No. 6 na Globalport at makakatapat ng nagdedepensa at No. 4 na Rain or Shine ang No. 5 na Barako Bull.

Ang mananalo sa laro ng Tropang Texters, nasa isang four-game losing slump, at Gin Kings ang kukuha sa No. 8 at siyang makakalaban ng No. 1 Petron Blaze.

Ang apat na koponan sa Magic Four ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Air21 121 - Graham 27, Atkins 22, Yeo 21, Canaleta 16, Ma-nuel 12, Custodio 10, Taulava 7, Sharma 4, Menor 2, Omolon 0.

Alaska 107 - McKines 43, Baguio 18, Thoss 17, Abueva 15, Casio 12, Dela Cruz 2, Reyes 0, Jazul 0, Eman 0, Espinas 0, Hontiveros 0, Belasco 0.

Quarterscores: 35-28; 63-54; 90-83; 121-107.

 

Show comments