^

PM Sports

Mayor Dualan Trophy Race pakakawalan sa San Lazaro

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tampok na karera sa pag­tatapos ng isang linggong karera sa tatlong mag­kakaibang race tracks nga­yon ang paglarga ng Ma­yor Junio C Dualan Tro­phy Race sa San La­zaro Leisure Park sa Carmo­na, Cavite.

Anim na kabayo ang maglalaban-laban sa 1,200-metro distansya at ang mananalo ay magka­karoon ng karapatang ma­i­u­wi ang paglalabanang P180,000.00 premyo.

Ang mga kasali ay ang Purple Ribbon (Dan Ca­mañero), Bruno’s Cut (JB Hernandez), Ama­zing Migs (RR De Leon), Michika (RA Tablizo), Angat Ang Pinoy (FM Ra­quel Jr.), Royal Jewels (DH Borbe Jr.).

Hindi malayong ma­pa­boran ang kabayong aa­­kayin ni Borbe matapos ma­nalo noong Setyembre 10 sa Santa Ana Park laban sa Extra Ordinary.

Tiyak namang hindi basta-basta susunod at asa­han na makikipagbali­katan ang ibang kalahok da­hil sa premyong pag­lalabanan.

Ang isa pang karera na may added prize ay ang race five na isang 3YO Maiden Race na inilagay sa 1,300-metro distansya.

Halagang P10,000.00 na ibibigay ng Philracom sa mananalong kabayo ang dagdag benepisyo ng mananalo sa hanay ng wa­long maglalaban.

Ang mga kasali ay ang Lookin at Lucky, Gangnam Style, Bright Valor, Yes Friday, Silver Wings, Tabitha, Star Trick at Ho­norable Joe.

Inaasahang mapapa­boran ang Silver Wings na didiskartehan ni Pat Di­lema dahil sariwa ito sa pag­takbo sa mas mataas na 3YO and Up race at tu­mapos ito sa pang-apat na puwesto.

May paglalabanang P200,005.86 na carry-over sa Super Six sa hu­ling karera.

 

ANGAT ANG PINOY

BORBE JR.

BRIGHT VALOR

DAN CA

DE LEON

EXTRA ORDINARY

GANGNAM STYLE

SHY

SILVER WINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with