Williams hindi pa rin sigurado sa paglalaro

BROOKLYN -- Nagulantang ang mga fans nang iha­yag ni Nets point guard Deron Williams na nag-o­organisa siya ng isang celebrity dodgeball tournament pa­ra sa isang charity sa offseason.

Ang wrist injury ni Williams ang siyang inaalala ng mga Nets fans bukod pa sa kanyang ankle injuries na nagpaupo sa kanya sa halos kabuuan ng nakaraang 2012-13 season.

Natuwa naman ang mga fans nang sabihin ni Williams na hindi siya maglalaro sa torneo.

Sa pagbubukas ng kanyang torneo ay nagpakita si Williams na may suot na walking boot sa kanyang ka­nang binti.

“As long as I’m ready for the season opener on Oct. 30 at Cleveland, that’s all that matters to me,” sabi ni Williams.

“If it was up to me, I would be playing right now. I can walk fine. It doesn’t hurt. It’s just protecting me from myself,” sabi pa ng point guard.

Show comments