PNP pasok sa quarters

MANILA, Philippines -  Sumandal ang Philippine National Police sa ma­lakas na panimula para iuwi ang 25-16, 25-14, 17-25, 25-21 panalo laban sa Philippine Navy at kum­pletuhin ang anim na koponan na maglalaro sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference quarterfinals na sisimulan sa Linggo.

Mainit sina Frances Mo­lina at Thai import Sang­muang Patcharee na kumawala ng 18 at 16 kills para katampukan ang pa­nalo sa larong ginawa ka­gabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang pagsisikap nina Mo­lina at Patcharee na may 23 at 20 hits ay hin­di natapatan ng Navy Sailors para agad na maiwan sa 0-2 at tuluyang mamaalam sa liga.

Ang ikalawang panalo sa pitong laro ng PNP ang ka­nilang tiket sa quarterfinals.

Si Michelle Laborte ay mayg 19 puntos pero si Chris Rosale lamang ang isang manlalaro ng Navy na nasa double-digits sa 10 puntos.

Hindi nakatikim ng isang panalo ang Lady Ta­maraws at ang huling ko­ponan na nagpatumba sa kanila ay ang Army, 25-15, 25-17, 24-26, 25-20, sa unang laro.

Ito ang ikaanim na pa­nalo sa pitong laro ng Ar­my para malagay sa ika­lawang puwesto.

Show comments