St. Clare kinuha ang tiket para sa Finals ng NAASCU
MANILA, Philippines - Inangkin ng nagdedepensang Saint Clare College of Caloocan ang ikalawa at huling Finals berth ng 13th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) men’s basketball tournament matapos sibakin ang Our Lady of Fatima University, 75-66, kahapon sa Makati Coliseum.
Makakasagupa ng Saints ang Centro Escolar University Scorpions para sa isang best-of-three championship series na magsisimula sa Setyembre 23 sa nasaÂbi ring venue.
Nagkaisa ang koponan ni head coach Jino Manansala na magpakalbo para ipakita ang kanilang pagkakaisang maipagtanggol ang titulo ngayong taon.
Mula sa 15-13 abante sa first period, sumandig ang Saints kina Marte Gil, Jayson Ibay at Dennis Santos para iwanan ang Phoenix sa halftime, 47-31.
Umiskor si Gil ng unang pitong puntos ng St. Clare sa third quarter upang iposte ang 57-36 bago nakalapit ang Fatima sa 49-64 agwat.
Tumapos si Gil na may 22 points, 7 rebounds at 5 assists, habang nagtala si Bong Managuelod ng 18 marÂkers para sa Saints.
St. Clare 75 – Gil 22, Managuelod 18, Santos 17, Ibay 12, Jamito 3, Lunor 2, Ambulodto 1, Woundo 0, Matias 0, Cruz 0.
Our Lady of Fatima 66 – Marquez 13, Banaria 8, JR Mallari 7, JJ Mallari 7, Gallardo 5, Cabrera 5, Jimenez 4, Ignacio 4, Datu 4, Jornacion 4, Rosales 3, Flores 2, Pineda 0.
Quarterscores: 15-13; 47-31; 64-59; 75-66.
- Latest