MANILA, Philippines - Aasinta ng playoff ang three-time champions na San Beda para sa isa sa daÂlawang ‘twice-to-beat’ inÂcentive sa Final Four, haÂbang magpapatatag ang San Sebastian sa hawak sa ikaapat na puwesto sa 89th NCAA men’s basÂketÂball tournament sa The AreÂna sa San Juan City.
Makakaharap ng Red Lions ang host St. Benilde Blazers ngayong alas-6 ng gabi matapos ang labanan ng Stags at Lyceum Pirates sa alas-4 ng hapon.
May 10-2 baraha ang San Beda at kung manalo pa ay iiwanan nila ang kaÂsalo sa unang puwesto na Letran College.
Makakatiyak na rin siÂla ng playoff dahil ang piÂnakamagandang pagtaÂtapos na kayang abutin ng mga nasa ika-limang puÂwestong St. Benilde, JoÂse Rizal University at EmiÂÂlio Aguinaldo College ay hanggang 11 panalo lamang.
Sa ngayon, ang tatlong nabanggit na koponan ay may iisang 5-7 baraha na papasok sa kanilang huÂling anim na laro sa elimiÂnaÂtion round.
May tatlong sunod na paÂnalo ang Red Lions pero hindi sila maaaring magÂkumpiyansa sa BlaÂzers na pinahirapan sila sa unang pagtutuos at natalo lamang ng isang puntos, 70-71, noong Hunyo 22.
Magpupursigi rin ang St. Benilde, nagmula sa dikitang 64-68 pagkatalo.
Ikaapat na sunod na paÂÂnalo naman ang target ng Stags sa pagsagupa sa Pirates na nais madupÂlika ang 60-55 upset sa first round.