MANILA, Philippines - Ang panalong nakuha sa pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong nakaraang buÂwan ang nagtulak sa Boss Jaden para pumasok sa unang tatlong puwesto sa palakihan ng kinita ng mga matitinding kabayo sa taong ito.
Kumabig ng kabuuang P1.2 milÂÂyong gantimpala ang Boss Jaden nang doÂminahin ang PCSO NatioÂnal Grand Derby na ginawa sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ito ang unang panaÂlo ng kabayo bukod sa tatÂlong pangalawa at paÂÂngatlong puwesto at isang kuwarto puwesÂtong pagÂtaÂtapos para kumabig ng P2,411,443.42.
Noong buwan ng HulÂyo ay nasa ika-13 puwesto lamang ang kabayo.
Ngunit sampung baiÂtang ang inilundag ng Boss Jaden matapos ang buwan ng Agosto.
Bagama't hindi isinabak sa laban ay hindi naÂman nawala sa unang daÂlawang puwesto ang HagÂdang Bato.
Kasunod nito ang double leg winner ng 2013 PhilÂracom Triple Crown ChamÂpionship na Spinning Ridge.
May P4,420,000.00 na kinita ang 2012 Horse of the Year na Hagdang BaÂto sa tatlong matitinding paÂnalo sa mga karerang siÂnalihan.
Ang kabayong Spinning Ridge ay mayroong kitang P3,961,541.19 muÂla sa apat na panalo at daÂlaÂwang tersero puwestong pagÂtatapos.
Ang dating nasa ikatlong puwesto na Divine Eagle na nagposte ng kinitang P2,219,160.68 ay bumaba sa ikaapat na puwesto matapos ipahiÂnga sa nagdaang buwan katulad ng mga kabayong Be Humble at Jazz Connection.
Ang Be Humble at Jazz ConÂnection ay naÂlaÂgay sa ika-lima at pang-anim na puwesto muÂÂla sa P2,144,108.50 at P1,729,689.91 na kinita.
Ang Crucis na nagwaÂgi sa nakaraang Atty. RodÂÂÂrigo Salud Cup para kuÂnin ang P300,000.00 ganÂÂtimpala ang nasa ikaÂpitong puwesto bitbit ang P1,522,217.04 sa piÂtong panalo at tatlong tersera puwesto.
Ang kukumpleto sa unang sampung puwesÂto ay ang Hi Money (7-3-2-1) na kumolekta ng P1,427,189.61 premÂyo, ang Snake Queen (9-4-2-3) na kumabig ng P1,397,860.71 at ang Hot And Spicy (3-3-1-2) na humakot ng P1,385,102.94 premyo.