^

PM Sports

Player of the Week si Baloria

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lamang isa si rookie Juneric Baloria sa mga top scorers sa liga kun­di pati isa ring clutch shooter.

Umiskor si Baloria ng mga krusyal na puntos para igiya ang Perpetual Help sa dalawang sunod na panalo sa second round ng 89th NCAA men’s bas­ketball tournament.

Si Baloria ang sinandalan ng Altas sa kanilang 68-64 panalo laban sa St. Benilde Blazers at sa 64-61 paggupo sa Jose Rizal Heavy Bombers.

Dahil dito, hinirang ang 23-anyos na si Baloria bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Pla­yer of the Week na suportado ng Gatorade.

Laban sa St. Benilde, umiskor si Baloria ng 18 points at nagposte ng 32 markers kontra sa Jose Ri­zal  para sa 10-3 record ng Perpetual sa ilalim ng three-time champions na San Beda (10-2) at Letran (10-2).

Si Baloria ang bumabandera sa scoring sa torneo mula sa kanyang 23 points a game average.

“Binibigyan ako ni coach (Aric Del Rosario) ng kumpiyansa,” wika ng tubong Lanao del Norte na si Baloria.

ARIC DEL ROSARIO

BALORIA

JOSE RI

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

JUNERIC BALORIA

PERPETUAL HELP

PRESS CORPS PLA

SAN BEDA

SI BALORIA

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with