LJUBLJANA, Slovenia -- Tinalo ng Italy ang two-time defending champion Spain, 86-81, sa overtime sa kabila ng ipinosteng 32 points at 10 rebounds ni Marc GaÂsol sa European basketball men’s championships.
Bumangon ang Italy mula sa isang 15-point deficit para makamit ang panalo.
Pinuwersa ni Luigi Datome ang laro sa overtime maÂtapos isalpak ang kanyang layup sa pagtunog ng buzÂzer sa regulation.
Umiskor si Alessandro Gentile ng apat na sunod na free throws para selyuhan ang naturang tagumpay ng Italy.
Tumapos si Gentile na may 25 points.
“We beat probably the best team in the tournament,’’ sabi ni Italy guard Pietro Aradori, tumipa ng 17 points.
Sinibak naman ng Croatia ang Greece, via double overtime, 92-88.
Dahil sa panalo ng Croatia ay nakapasok din ang Spain sa quarterfinal round.
Lalabanan ng Spain, nahulog sa ikaapat na puwesto sa Group F, ang Serbia sa unang laro sa quarterfinals, habang haharapin ng host Slovenia ang France.
Samantala, binigo naman ng Finland ang Slovenia, 92-76.