143 aspirants sa PBA D-League
MANILA, Philippines - Kabuuang 143 aspirante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para makasama sa kauna-unahang PBA-Developmental League Rookie Draft na nakatakda sa Huwebes sa PBA Office sa Libis, Quezon City.
Kasama sa listahan ang 27 Fil-foreign applicants sa pangunguna ni Fil-Ita-lian Chris Banchero.
Magsisimula ang drafting sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang anim na founding members ang magkakaroon ng opsyon para makapili ng player.
Ang Café France ang may hawak ng No. 1 pick kasunod ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports at NLEX.
Ang No. 7 pick ay nasa Cagayan Valley na susundan ng Hog’s Breath at Jumbo Plastic.
Ang lahat ng bagong players ay kinakailangang lumahok sa Rookie Draft para makalaro sa 2014 D-League season na magsisimula sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena.
Tampok din sa Draft sina Jerrold Nielsen Asaytono, anak ni many-time PBA All-Star at Mythical Team selection Nelson Asaytono at Josemarie Adornado, anak ni three-time Most Valuable Player William ‘Bogs’ Adornado.
Inaasahang unang mapipili ang 24- anyos na si Banchero, isang 6-foot-1 point guard mula sa Seat-tle Pacific University at naging susi sa paghahari ng San Miguel Beermen sa nakaraang ASEAN Basketball League.
Sa nasabing torneo hinirang si Banchero bilang Finals MVP.
- Latest